Bangkay sa Pasay crematorium dumoble

Dumami ang bangkay na pinoproseso sa Pasay City Public Cemetery and Cremation.
Sa isang panayam sa officer-in-charge ng pasilidad na si Laura Leonen, sinabing mula sa 16 na bangkay kada araw ay umabot na ito hanggang sa 30 bangkay simula nitong Marso kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nahawa ng COVID-19.
Pero paglilinaw ni Leonen, hindi naman lahat ng kanilang pinoproseso ay nasawi dahil sa COVID-19. Dagdag pa niya, kahit mga residente sa labas ng lungsod ay tinatanggap ng kanilang pasilidad
Humiling na rin umano sila sa lokal na pamahalaan para sa bagong makina dahil luma na ang dalawang makina na kanilang ginagamit sa operasyon.