Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay sa sako umalingasaw

0 28

NAAAGNAS na ang bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage nang matagpuang nakasilid sa isang sako sa bayan ng Amulung, Cagayan noong Martes.

Ayon kay Amulung Police Station (APS) commander P/Maj. Osmundo Mamanao, ang biktima ay si Wilfredo Blance, 56, ng Zone 5, Barangay Sta. Barbara ng nasabing bayan.

Sa report, sinabi ni Mamanao, may tumawag sa telepono sa kanilang tanggapan hinggil sa nasabing bangkay na itinapon sa gilid ng sapa sa Barangay Marobbob, Amulung.

Agad namang rumesponde ang operatiba ng APS at nang buksan ang sako ay umalingasaw ang naaagnas nang katawan ni Blance.
Masusi pa ngayong iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.