Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay sinako, tinapon sa likod ng mall

0 53

Isang bangkay ng lalaking hinihinalang biktima na naman ng summary execution ang natagpuan sa likod ng isang mall sa Sta Rosa City, Laguna, Linggo ng umaga.

Sa report ng Sta Rosa police, natagpuan ng isang janitor ang bangkay sa loob ng asul na sako na iniwan sa access road sa Barangay Tagapo, alas-8:00 ng umaga.

Naglilinis sa tabing kalsada ang janitor nang mapansin nito ang sako na unang inakala nito na naglalaman ng basura.

SM food to go Banner Ad

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridd, nadiskubreng nakaposas ang mga kamay ng biktima.

Inaalam pa ngayon ang pagkakakilanlan ng biktima na naka-t shirt na may blue stripe, maong na pantalon at puting sapatos. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.