Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay sinako, tinapon sa Pasig River

0 340

Sumambulat ang isang wala nang buhay na lalaki na nilagay sa sako sa bahagi ng Pasig River sa Brgy. Hulo, Mandaluyong City, Biyernes ng hapon.

Batay sa report ng Mandaluyong police, nakita ng mga environmental staff ang sako na nakalutang sa ilog.

Nang buksan dito ay dito na tumambad ang isang bangkay ng lalaki na nangangamoy na, nakasuot ng t-shirt at maong pants.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng naabing lalaki, pati na rin ang nagtapon nito sa Pasig River.

Idaraan sa autopsy ang bangkay para malaman kung ano ang kinamatay ng lalaki. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.