Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangkay tinago sa bag

0 77

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang isang Bangladesh national matapos nitong patayin at isilid sa bag ang isang lalaki sa Sto. Tomas City Batangas Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng Sto. Tomas police, nadiskubre ang krimen matapos na tumawag sa kanyang landlady na si Jovilynn Villa ang supek na si Ahmed Sabuj, 28, at itinuro ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima na iniwan nito sa kanyang inuupahang apartment sa Avant Garden Subd., sa Brgy. San Roque.

Agad na nagtungo ang landlady himpilan ng pulisya at ini-report ang pangyayari.

Nang puntahan ng mga pulis ang bahay, natagpuan ang biktima na nasa loob ng comfort room at nakasilid sa isang bag.

Patuloy na nagsasagawa ang mga awtoridad ng imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng biktima at sa ikadarakip ng suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.