Abante Tonite Interactive

Bangketa winasak para ilagay ang pangalan ni mayor

323

Mukhang humabol sa election ban itong lokal na opisyal para may maipagawa sa kanyang nasasakupan.

Ito kasing si mayor, kahit maayos ang bangketa sa kanilang lugar, ipinabakbak para gawan ng bagong bangketa.

Hindi naman daw ito nakatulong para maibsan ang trapik sa kanilang lugar dahil araw-araw gapang ang takbo ng mga sasakyan doon.

Masuwerte rin umano ang mga illegal vendor dahil bago na ang bangketa na tatambayan ng kanilang paninda.
Ang classic nito, gusto lang palang lagyan ng pangalan ni mayor ang bangketa, siyempre para makatulong sa kanyang muling pagtakbo sa puwesto.

Clue: Ang ma­yor na pinabakbak ang bangketa para ilagay ang kanyang pangalan ay isa sa suki ng political dynasty at may letrang E sa kanyang pa­ngalan as in Eternity.