Abante Tonite Interactive

Bangladesh cricket ligtas sa ambush

174

Suwerteng naligtasan ng Bangladesh cricket team ang pamamaril sa New Zealand nitong Biyernes.

Nasa bansa ang Bangladesh team dahil may nakaiskedyul silang laro ng New Zealand sa cricket ngayong Sabado.

Sa ulat ng The Associated Press, sakay ng bus ang players at miyembro ng coaching staff ng Bangladesh team at palapit na sa Masjid Al Noor mosque sa Hagley Park sa Christchurch nang bumulaga ang sunod-sunod na putok.
Tumakbo sa parke ang team pabalik ng oval.

“Entire team got saved from active shooters!!! Frightening experience and please keep us in your prayers,” tweet ni Bangladesh batsman Tamim Iqbal.

Kinansela na ang cricket match.