Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangon ng Magnolia sa 22 pts pambihira

0 89

Clark Smart Mega City – Ipinoste ng Magnolia ang isa sa greatest comeback wins ng prangkisa nang agawan ng panalo ang NLEX 103-100 nitong Miyerkoles sa PBA Philippine Cup sa AUF Gym powered by Smart 5G sa Angeles, Pampanga.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, ang 22-point hole na ‘yun ang pinakamalaking deficit na in-overhaul ng team sa nakalipas na isa’t kalahating dekada,

Eksaktong 15 taon – Oct. 14, 2005 – nang burahin ng Purefoods ang 29-point third quarter deficit para hiyain ang Alaska 86-84 sa overtime sa Fiesta Conference elims.

Ang ’05 team na ‘yun ay giniyahan ni coach Ryan Gregorio at pinamunuan ni import Marquin Chandler.

Si Jio Jalalon ang nagsindi sa comeback, kinamada ang lahat ng 19 points niya sa second half 12 dito sa third. Itinuloy ni Chris Banchero ang ahon nang tumikada ng 9 sa fourth tungo sa 19 markers din.

May 18 pa si Paul Lee kabilang ang nakumpletong bihirang 4-point play na nagtulak sa Magnolia sa unahan 101-100, 32 seconds na lang.

“Getting that win in the first test … very hard,” bulalas ni coach Chito Victolero sa unang panalo sa bubble. “’Yung limited preparation. I’m happy and proud sa players kasi hindi talaga nila pinabayaan condition nila.”

Pitong buwang naburo ang 0-1 record ng Hotshots, biktima ng San Miguel 94-78 noong March 8 sa opening night. Makalipas ang tatlong araw ay kinansela ang mga laro dahil sa pandemic.

Balik ng Smart 5G-powered AUF gym ang Hotshots bukas laban sa Alaska. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.