Abante Tonite Interactive

Bangs buntis sa second baby

692

Buntis si Bangs Garcia sa second baby nila ng asawang si Lloyd Birchmore. Ibinahagi ng dating sexy actress ang good news sa kanyang IG account noong mismong Valentine’s Day.

Nag-post si Bangs ng larawan nilang tatlo nina Lloyd and first child, Amelia. Makikitang hawak ng kanilang anak ang sonogram result ng ipinagbubuntis niya.

“The love in our family is tremendously growing as another bundle of joy is coming our way. Happy Valentine’s Day, Loves!!!” ang caption ni Bangs.

May hashtag din si Bangs na “4monthspregnant.”

Matatandaang ikinasal si Bangs sa kanyang non-showbiz husband noong 2016. Actually ay 3 beses silang ikinasal. Filipino-British ang kanyang napangasawa at sa ngayon ay naninirahan sila sa United Kingdom. Two years old na ang kanilang panganay na si Amelia.

Popoy, Basha magkakatuluyan sa ending

Sa totoo lang, ang lakas pa rin ng chemistry nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo after all these years.

“Ano kaya kung at d end sila talaga ang itinadhana ? Posible pa kaya?” komento ng isang netizen.

“Nkaka iyak nmn nkaka miss n kyu mga idol,” reaksyon naman ng isa.

“Sana kayo na lang.. Kayo na lang forever and ever Popoy and Basha,” comment naman ng isa pa.

Halos iisa nga ang komento ng mga netizens na sobrang na-miss nila sina Lloydie and Bea together at hiling nila ay reunion project for the two.

Well, posible naman lalo ngayo’t mukhang nagbabalik na si Lloydie talaga. Ang nasabing event ay first major public appearance sa showbiz ng aktor na tila hudyat na nga ng kanyang pagbabalik.