Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bangungot

0 185

Araw araw ay nag-uupdate ang Department of Health sa bilang ng may sakit na Covid19, kasama ang bilang ng gumagaling at namamatay dito. Kung may biglaang mamatay, kadalasan ay tinatatak agad ng mga tao na dahil sa Covid19. Eto ang tanong sa atin ngayong linggong ito. Kamakailan ay namatay ang tiyo ng ating reader. Hindi naman katandaan ito, maayos nung gabi, masayang nakipagkainan at medyo nakainom pa. Ngunit kinaumagahan ay hindi na ito nagising sa pagkatulog at nang dinala sa emergency room ay dineklara agad na dead on arrival. Walang masyadong dinadaing ang tiyo nya, maliban sa madalas na parang naeempacho pag napadami ang kain. Ano po kaya ang nangyari at maaari bang mangyari sa amin na mga kamag anak nya?

Sudden death ang nangyari dito. Kadalasan ay ang puso na bumigay ang salarin. Maaaring may kaakibat na chest pain bago atakihin. Ngunit sa impormasyon na naibigay na nakakain ng madami at nakainom ng alak, maaaring ang lapay o pancreas ang naapektuhan. Acute hemorrhagic pancreatitis ang isa sa maaaring dahilan ng pagkamatay. Ito ay ang biglaang pamamaga at pagbulok ng organong ito. May pagdurugo din sa paligid na nakikita sa kahulihan ng karamdaman. Sa limang magkakaroon ng acute pancreatitis, apat naman ang gumagaling, ngunit ang isa ay maaaring mamatay oras na magkaroon din ng pagbagsak ng iba pang mahalagang organo o multi organ failure.

May mga sitomas na maaaring maituturo ang pancreas ang nagkakaproblema. Ito ay tulad ng pananakit ng sikmura, paminsan tumatagos hanggang sa likod, lumalala lalo na pagkakain, nilalagnat, bumibilis ang pulso, nahihilo at nasusuka, at pananakit ng abdomen kapag nahawakan o nadiinan. Ang dumi ay mapapansin din na masyadong mamantika at kung minsan ay nainilaw. Kung ma-diagnose na ang karamdaman ay pancreatitis at hinayaan, maaaring maging chronic pancreatitis. Walang gamot ito maliban sa mabawasan lamang ang pangingirot na dala nito. Hindi lahat ng pancreatitis ay namamana.

SM food to go Banner Ad

Alagaan natin ang ating lapay sa pamamagitan ng mga sumusunod: 1. Uminom ng madaming tubig, 2. Kumain ng pagkaing hindi masyadong malasa o bland, 3. Kumain din ng hindi matatabang pagkain, 4. Huwag uminom ng alak, 5. Ingatan ang paginom ng mga iba’t ibang gamot, 6. Kung bibigyan ng antibayotiko ng inyong doktor, sundin ang tamang paginom nito, 7. Magpahinga ng mabuti hanggang sa gumaling at bumalik ang inyong sigla. Kung hinda pa umayos ang nararamdaman, kakailanganin maospital ng magabayan at hindi lumala ang karamdaman.

Huwag balewalain ang sintomas ng abdomen at agad ibintang sa nakain o nainom, lalong lalo na kung ito ay madalas mangyari.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.