Abante Tonite Interactive

BANK ACCOUNTS NI TRILLANES IBUBUYANGYANG NI PDU30

By
99

May mga bank accounts umano sa ibang bansa ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanya umanong natuklasan.

“I can’t invent… I’m coming up with Trillanes his bank deposits, all over. Ngayon, nakuha ko na, akala kasi niya hindi ko rin kaya eh… So I am giving you in a few days the number of deposits he has with Chinese joint accounts,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte nang dumalo sa closing ceremony ng 26th Mindanao Business Conference Cagayan de Oro City kahapon.

“It’s all over… Hong Kong, Australia, America…” dagdag ng Pangulo.

Ginawa ni Duterte ang pahayag dahil sa akusasyon ni Trillanes na mayroon itong kwestiyonableng bank accounts na naglalaman umano ng P2 bilyon.

Sa pagdinig din ng Senado noong Huwebes, Setyembre 7 ay inakusahan ni Trillanes ang anak ng Pangulo na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na mayroong P104 milyon sa bank account.

“… Itong anak ko nga­yon, we were the favorite targets. Now, they have — during their time of the campaign, I told everybody, “You can go around up to the rural banks of Tawi-Tawi, if there’s one. Hanapin niyong pera ninyo, kasi kung nandiyan, if it is true, I will withdraw my candidacy.”

Now, I gave you my commitment when I won, there will be no corruption, as I have told you, and if you can smell one — with my daughter who’s the Mayor of Davao City, and ‘yan si Pulong na may magsabi — huwag ‘yang hearsay na ganon, natatanggap,” paghahayag pa ng Pangulo.

Binigyang-diin din ng Pangulo na wala siyang ilusyon na magpayaman sa puwesto.

“Kaya sabi ko, ako, I’m willing to resign immediately. I don’t have the illusions of the Presidency perpetuating in power,” dagdag nito.

Fake news yan!

Ito agad ang buwelta kahapon ni Senador Trillanes sa akusasyon ni Pangulong Duterte na mayroon siyang bank accounts sa ibang bansa tulad sa Hong Kong, Australia at sa United States.