Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bank exec, 2 tauhan guilty sa pamemeke

0 119

Guilty ang hatol ng Regional Trial Court at Municipal Trial Court ng Bayawan City Negros Oriental sa reklamo ng pamemeke ng mga dokumento ng tatlong opisyal ng Rural Bank of Basay, Negros Oriental na nagsara na.

Ayon sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hinatulang guilty sa pagpeke ng mga dokumento sina dating Rural Bank of Basay president and manager Amorsolo L. Jordan, ang dating kahera nitong si Herelyn B. Gaga-a, at ang dating loan collector ng bangko na si Rene R. Silorio.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang sinampa ng BSP ang reklamo sa Department of Justice noong 2019.

Ayon sa BSP, ang tatlong hinatulang guilty ang nagproseso, nag-apruba at nagbigay ng mga pautang sa mga director, opisyal, at mga may-ari ng bangko na nagkakahalagang P393,500 at may isa pang pekeng loan na nagkakahalagang P521,000. Nadiskubre ng BSP ang pekeng mga utang nang inimbestigahan nito ang bangko matapos itong ipasara. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.