Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bank manager tsugi sa ibabaw ng batang GF

0 269

Patay ang isang 59-anyos na bank manager matapos itong atakihin sa puso sa second round ng lovemaking nila ng batambatang niyang girlfriend sa isang resort sa bayan ng Campostela sa lalawigan ng Cebu, Miyerkules ng hapon.

Sadyang di pinangalanan ni Campostela Police Station Chief of Police Major Vincent Zozobrado ang 59-anyos na lalaking bank manager, taga-Liloan, Cebu at ang 24-anyos nitong girlfriend para hindi na maiskandalo ang kani-kanilang mga pamilya.

Sa ulat ni Zozobrado, dumating ang biktima at girlfriend nito sa isang resort sa Campostela alas-5:00 ng hapon at doo’y nagtampisaw sa ligaya ang dalawa.

Sa salaysay ng gf sa pulisya, agresibo umano si bank manager sa unang round ng kanilang pagniniig.

Nagpahiga saglit ang manager bago muling maghamon ng second round. Ngunit sa kalagitnaan ay bigla na lang tumigil ang lalaki sa ibabaw ng nobya sabay daing na nahihirapan itong huminga.

Ilang sandali lang ay tumirik na ang mga mata nito kaya agad humingi ng tulong ang kanyang girlfriend. Isugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit idineklara na rin itong dead on arrival.

Sa imbestigasyon, tatlong taon na umano ang relasyon ng bank manager at dalaga at sinusuportahan ng una ang huli ng P2,000 kada linggo. (Edwin Balasa).

Leave A Reply

Your email address will not be published.