Abante Tonite Interactive

BanKo positibo kay Kongsawat

293

Sa pagbubukas ng 3rd Premier Volleyball League 2019, umaasa ang BanKo Perlas Spikers na madodomina ang women’s indoor spikefest sa pagdating ng bagong coach.

Papalitan ni Apichat Kongsawat mula sa Thailand si Dong dela Cruz sa kampanya para sa edisyon ng liga.
Si Kongsawat ay dating coach ng Thailand women’s volleyball team at dumating sa bansa noon pang Enero 30 para pangunahan ang BanKo.

“He’s quite knowledgeable because he is from Thailand so we share almost the same type of volleyball. They’re more advanced and more developed and they’ve been doing scientific training for volleyball in the last 25 years already,” wika ni BanKo team manager Charo Soriano sa panayam ng ABS-CBN.

Isa rin sa mga dahilan kaya napili ng Perlas Spikers si Kongsawat para manguna sa nalalapit na pagbubukas ng liga ay ang malawak at malalim na karanasan nito na tiyak maisasalin sa batang manlalaro ng team.

Si Kongsawat ang nanguna sa national team ng Thailand nang sumabak sa ilang kompetisyon ng Internationale Volleyball Federation (FIVB) gaya ng World Championships at World Cup.

Sa ikalawang taon ng PVL nitong 2018, nag-bronze medal ang Perlas Spikers sa Reinforced at Open Conference.