Abante Tonite Interactive

Banong aktor hinawakan ng direktor sa magkabilang balikat

0 545

MAY malaking pagbabago na sa pag-arte ng isang kilalang male personality. Malapit nang reglahin nu’n ang isang direktor dahil sa kanyang pagganap na walang-walang emosyon.

Ilang ulit na niyang ginagawa ang isang simpleng eksena, pero talagang wala siyang mailabas, kaya sa inis ng kanyang direktora ay kinausap siya nang masinsinan.

Kuwento ng aming source, “Talagang hinawakan siya sa magkabilang balikat nu’ng director niya, tinanong siya kung ano ang gusto niyang mangyari, ang huwag na silang umuwing lahat dahil sa isang napakasimpleng eksenang hindi niya magawa-gawa?

“Galit si directed by, kinukunsensiya siya, nakasimangot na kasi ang mga kaeksena nu’ng aktor dahil sa sobrang pagkainip at pagkainis!” kuwento ng aming impormante.

Nagising siguro sa katotohanan ang male personality, palihim siguro siyang nag-workshop, kaya ngayon ay medyo maayos na ang kanyang pag-arte.

Huling sultada ng aming source, “Naku, hindi naman kasi umaarte at nagda-dialogue ang mga abs, ‘no! Kahit may 6-pack pa siya, e, walang magagawa ‘yun kung bano siyang umarte!”

Tama, tamang-tama ba ‘yun, direk?

Female personality nagmaldita sa abroad

NAGBAKASYON sa isang bansang napakalamig ang isang female personality na madalas napapanood sa kanyang mga ginagawang serye. May kaartehan ang babaeng personalidad na ito, maraming naiinis sa kanya, bitbit din pala niya sa ibang bansa ang kanyang kaartehan.

Kuwento ng isang source na nakasaksi mismo sa pagiging temaarts ng female personality, “Palagi siyang nakasimangot. Kapag may mga Pinoy na kumakaway sa kanya, e, hindi siya namamansin!

“Nu’ng may lumapit na kababayan natin sa kanya para makipag-selfie, ang sagot niya, ‘We’re eating, di ba?’ Naloka ang lumapit sa kanya, napakamaldita raw pala ng artistang ‘yun!

“Ang kasama niyang nagdi-dinner, e, ang boyfriend niyang yayamanin! Shopping spree sila, puro branded stuff ang bitbit ng girl!

“Totoo pala ang mga kuwento d’yan sa ‘Pinas na napakamaldita at maarte ng babaeng ito! Hindi naman siya rich, ang boyfriend niya ang madatung!” inis na kuwento ng nagbalita sa amin ng senaryo.

Kotse ni Vice ibinalik ni Romeo

ALAM ng malalapit na kaibigan ni Vice Ganda na ang kilalang basketball player na si Terrence Romeo ang kanyang first love. Mula nu’n hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal ng sikat na komedyante sa basketbolista.

“Masyado kasi siyang na-challenge kay Romeo. Ang akala ni Vice, e, magiging Juliet na siya, pero naunsiyami ang pangarap niya! Hindi siya naka-first base kay Terrence!” pambubuking kay Vice ng isang kaibigan niya.

Pero lumalabas naman sila dati ng basketball player, balita pang niregaluhan niya ito ng kotse, pero may nangyari palang lalong ikinainis ni Vice.

Patuloy ng aming kausap, “Oo naman, pinagbibigyan naman ni Terrence ang invitation niyang lumabas, pero marami siyang kasama. Buong team yata ang isinasama ni Terrence kapag nagkikita sila ni Vice.

“Saka ‘yung kotseng iniregalo niya, ipinabalik ‘yun ni Romeo! Talagang sa lahat ng mga mhin, sobrang na-challenge siya kay Romeo!” madiin pang reaksiyon ng aming impormante.

May asawa at anak na ngayon ang pambansang point guard ng SMB, si Pia, isang anak-mayaman na businesswoman. May junior na sila ni Terrence.

Sabi ni Manay Lolit Solis na fan na fan ni Terrence Romeo, “Naku, ‘no! Kay Pia na lang siya! Milyonarya na, e, may #*@% pa!” Magkakaanak ba naman sila ni Vice Ganda?”

Ha! Ha! Ha! Ha!