Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bansot na male personality nagtatago sa abroad

0 277

Lalo nang matatakot bumalik sa ating bayan ang isang bansuting male personality na matagal nang naninirahan sa ibang bansa. Nadoble ang kanyang takot ngayon dahil sa maraming nagbabantang kutusan siya sa airport pa lang.

Sa kaliitang ‘yon ng lalaking personalidad ay naipon naman ang kanyang kayabangan, feeling napakatalino niya, siya lang ang may alam sa lahat-lahat.

Kuwento ng aming source, “Napakaangas ng bansuting male personality na ‘yon! Kung makaporma siya, e, parang napakatangkad niya, samantalang bahagya lang naman ang itinaas niya sa tangke ng gasul!

“Magaling lang siyang mag-post ng kung anu-anong kabalbalan porke nasa ibang bansa siya! Bakit hindi siya bumalik dito para makapagmaangas siya?” unang hirit ng aming impormante.

Kung matatandaan ay may ginawang isyu ang bansuting male personality tungkol sa kanyang dating karelasyong female personality. Hinahanap siya ng pamilya ng babae, ‘yon ang dahilan kung bakit para siyang daga na biglang lumabas sa kanyang lungga, lumipad siya nang mabilisan sa ibang bansa para makapagtago siya.

Pag-alala pa ng aming source, “Napakawalanghiya ng lalaking ‘yon! Iginawa niya ng issue ang girlfriend niya, inilagay niya sa alanganin, kaya siya kinasuhan ng pamilya ng girl!

“Hinahanap din siya ng family ng female personality para siya komprontahin, pero nabahag na ang kanyang buntot, nagtago na siya! Maporma lang siya sa malayuan, pero ubod nang duwakang ang bansuting ‘yon!” napakadiing reaksiyon ng aming source.

Kung dati nang ninenerbiyos ang male personality na hindi makauwi-uwi dito sa atin ay lalo na ngayon dahil binabantayan siya ng mga loyalista ng isang sikat na politiko para siya mabigyan ng leksiyon.

Reaksiyon ng aming impormante, “Naku, kapag umuwi siya dito, e, siguradong makakatikim siya sa mga loyalista ng politician na nilait-lait niya! Matapang lang naman ang bansuting ‘yon dahil nasa ibang bansa siya!

“Try niyang umuwi dito, sa paisa-isang pitik lang sa tenga ng mga loyal supporters ng politikong nilait-lait niya, e, siguradong may paglalagyan na sa kanya!

“Galit na galit sa kanya ang grupo, gusto siyang ibitin nang patiwarik sa puno ng mangga dahil napakatapang ng mga posts niya! Stupid daw ang mga bumoto sa nanalong politician!

“Kung talagang super-matapang siya, e, bakit nagtatago siya sa ibang bansa? Bakit hindi niya dito gawin ang kaangasan niya! Naku, hindi naman puwedeng sabihing laos na siya, kasi, hindi naman siya sumikat!

“Nakilala lang siya sa kabastusan niya! Sa kaangasan niya! Sigaw ng mga galit na galit na supporters ng politiko sa kanya, —mo!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.