Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Banta kay Daniel: Kathryn, James grabe ang pakilig

0 162

NI: ARCHIE LIAO

Kaaliw naman ang “My Hokage Love” na isa sa mga tampok sa ten-episode anthology series nsa Mashing Machine. Mapapanood ito sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Sa nasabing anthology series, pinagtagpi-tagpi ang mga iba’t-ibang mga eksena mula sa well-loved Kapamilya teleseryes.

Bukod sa “kilig overload” at kakaibang tambalan, nagkaroon ang viewers ng pagkakataon na makita kung may chemistry ang Kathniel, JaDine at LizQuen kung sila ay ipareha sa ibang love team partner.

Sa “My Hokage Love”, may chemistry pala sina Kathryn Bernardo at James Reid. Kung tutuusin ay refreshing na magsama sila sa isang proyekto.

Sa magic ng editing at sa pagtatagni-tagni ng mga eksena, hindi mo aakalain na posible palang magkasama sila kahit man lang sa ‘faney universe’.

Nakakabilib din na isipin na puwede palang maging threat kay Daniel si James kung itatambal siya kay Kathryn.

Sa nasabing episode, kasama rin sa triyanggulo ng kuwento si Enrique Gil.

Leave A Reply

Your email address will not be published.