Abante Tonite Interactive

Banta sa seguridad nalagpasan lahat – NSC

302

Ipinagmalaki ng National Security Council (NSC) na nalagpasan nila ang iba’t ibang hamon sa isyung panseguridad sa bansa.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na malaking bagay ang inisyung National Security Strategy (NSS) ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya epektibong natugunan ang mga banta sa seguridad sa loob at labas ng bansa.

Kabilang dito ang isyu sa West Philippine Sea, terrorism, drug traffic­king, pamimirata, smuggling at human trafficking.

Sinabi ni Esperon na naging banta sa seguridad ng bansa ang iligal na droga kaya pinaigting ng gobyerno ang kampanya laban dito.

“The NSS that was issued by President Duterte was instrumental in integrating the country’s major security policies, defining responsibilities and coordinating the actions of all concerned agencies, to effectively address security threats, issues and concerns both within and outside the country,” ani Esperon.

Nananatili naman aniyang banta ang mga grupong iniuugnay sa ISIS sa kabila ng pagkatalo sa Marawi City kayat lalo pang paiigtingin ang kakayahan ng intelligence community. (Aileen Taliping)