Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bantay-Sarado ng Anghel

0 403

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo, nakakita na ba kayo ng Anghel? Pinaniniwalaan na ang mga anghel ay naghahatid ng mensahe mula sa langit at may mga anghel na nagbabantay sa tao na kilala sa tawag na guardian angel.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hindi na bago kay Mark ng Taguig na makakita ng mga nilalang sa kabilang dimensyon pero namangha siya sa nakita niya isang gabi- isang napakaliwanag na nilalang ang nakatayo sa tabi ng kanilang higaan habang natutulog ang kanyang asawa.

Ito ang inusisa ng #Misteryo kay Mark.

Misteryo: “Paano mo nakita yung anghel? Ano ang hitsura? May pakpak ba siya? Nakita mo ba ang mukha?”

Related Posts

Mark: “Nagising ako ng hatinggabi para mag-CR nang may nakita akong maliwanag sa tabi ng aming higaan at kitang-kita ko ang isang napakaliwanag na bata na nakatayo sa gilid at nakatingin kay misis. Hindi ko makita ang kanyang mukha sa sobrang liwanag at Wala akong makitang pakpak. Pero alam ko isa siyang anghel. Maaaring guardian angel siya ni misis.”

Misteryo: Sinubok mo bang kausapin? Nagtanong ka ba?”

Mark: “Nasorpresa ako sa nakita ko kaya hindi na ako nakapagtanong sa kanya kung sino siya at bakit siya nagpakita.”

Misteryo: “Anong sumunod na nangyari nang makita ko ang batang anghel?”

Mark: “Bigla siyang nawala. May isang minuto ko din siya nakita hanggang sa mawala. Hindi ko na ginising ang misis ko at natulog uli ako.”

May mga pagkakataon na nagpapakita sa atin ang mga kakaibang nilalang bagaman maaaring maganda ang nakita natin kailangan pa rin mag-Ingat tayo. Maniwala man tayo sa hindi nasa tabi lang natin ang ating guardian angel o kaya spirit guides, anumang oras ay Andyan sila para tulungan tayo sa ating buhay.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa reysibayan@gmail.com at Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.