Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bantayan dayaan sa eleksiyon – Lacson

0 104

Nagbabala si presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson hinggil sa posibleng pagsabotahe na magaganap sa halalan.

Sa kanyang pagharap sa media kahapon kasama ang ilan pang presidential bet, sinabi ni Lacson na ito ang pinakadahilan kung bakit nagsama-sama sila para magsalita ukol sa nalalapit na eleksiyon.

“`Yan ang essence ng paglabas naming ngayong umaga. At warning na rin na huwag kayo mag-subvert ng will of the electorate kasi we’ll stand up as one,” ani Lacson.

Inihayag ni Lacson na mayroon aniya silang natanggap na intelligence reports hinggil sa pananabotahe sa halalan subalit kanila pa itong isinasailalim sa masusing kumpirmasyon.

“Hindi naman puwedeng agad-agad i-share sa public kung hindi validated. We’re very careful along this line. We’re still working on it to validate, but there are numerous reports actually pointing to this subversion or subverting the will of the people,” sabi ni Lacson.

Subalit tiniyak ng senador na maninindigan sila kapag nagkaroon ng pagtatangka na guluhin ang araw ng halalan.

“Hindi naman kami naghahamon ng rebolusyon pero gagawin namin ang magagawa namin following the rule of law, of course para pigilan kung hindi man talaga labanan,” ani Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.