Abante Tonite Interactive

Banyagang bansa gusto akong ipapatay – Duterte

245

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang bansang interesado sa kanyang buhay.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa 9th ­anniversary ng Min­danao Development Authority (MinDA) at ika-25 anniversary of the Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sa Davao City ngayong gabi.

Ayon sa Pangulo, malaking kagaanan sa kanya kung patayin siya ng hindi pina­ngalanang bansa dahil matatapos na ang istorya ng kanyang buhay.

Abante Hiring – IT dep

Hindi lingid sa Pangulo ang mga banta at nag-iinteres sa kanyang buhay dahil sa mga ipinatupad na pagbabago sa bansa gaya na lamang ng kampanya sa iligal na droga at korapsiyon.

“Alam mo, sinabi sa akin na one country is interested to kill you. So be it. I welcome it with relief, that ends my story in this planet,” anang Pangulo.

Matatandaang inihayag ng Presidente sa isa sa kanyang talumpati na balak siyang patayin ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika at pabiro pang tinukoy na ilan sa kanyang mi­yembro ng gabinete ay galing sa CIA.