Abante Tonite Interactive

Banzon, Ateneo ginulpi ang UP

0 146

Binuksan ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang kampanya sa Philippine Baseball League sa pamamagitan ng 15-2 win kontra University of the Philippines kamakalawa sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

“I’m actually impressed with our starters. They were able to get us some time before our offense started to click,” pahayag ni first-year Ateneo head coach Bocc Bernardo.

Mainit pa ang mga taga-Ateneo kasunod ng runner up finish sa nakaraang buwang 2018 Hong Kong International Open.

Sa third inning, ibi­nigay ni graduating center fielder Radito Banzon ang unang hit at run ng Ateneo.

Mula roon, sunod-sunod na runs pa ang pinalo ng koponan.

“It is very important for us to establish our bullpen before we enter the UAAP,” hirit pa ni Bernardo.