Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bar exam gaganapin na sa 2021

0 76

Inanunsyo na ng Korte Suprema ang buwan kung kailan idadaos ang naunsyaming 2020 Bar exam dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa nilabas na bulletin ng Supreme Court na nilagdaan ni Bar Examinations chairperson SC Associate Justice Marvic Leonen, sa Nobyembre 2021 gagawin ang sunod na pagsusulit sa mga nais maging abogado.

“By approval of the Court En Banc, the next Bar Examinations will be held on November 2021,” saad sa Korte Suprema.

Ilalabas naman sa hiwalay na bar bulletin ang ibang detalye tulad ng venue at period para sa susunod na Bar exam. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.