Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bar exam inurong sa Pebrero

0 26

Muling iniurong ng Supreme Court (SC) ang nakatakdang Bar examination sa Pebrero 4 at Pebrero 6 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nabatid na una nang itinakda sana ang Bar exam sa Enero 23 at Enero 25 pero kinansela ito matapos na mabatid na 17% ng 8,546 examinee ang nahawa sa coronavirus o kaya ay na-expose sa mga nagpositibo.

Ito ay base sa naging tugon mula sa ipinadalang e-mail ng Office of the Bar Chairperson.

Gayundin, pinayuhan ng SC ang lahat ng mga Bar examinee na sumailalim sa quarantine simula Enero 20 o dalawang linggo bago ang exam.

Una nang nagpasa ng resolusyon ang SC na gawin na lamang dalawang araw ang Bar exam kung saan sa kada araw ay apat na set ng test ang kanilang kukunin na may kabuuang walong asignatura. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.