Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bar topnotcher olats sa Comelec

0 93

Nagmistulang hao-shao ngayon si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III matapos paboran ng Commission on Elections (Comelec) ang paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi bilang lehitimong party wing ng PDP-Laban.

Sa desisyon nilabas ng Comelec nitong Biyernes, Mayo 6, kinilala ng Comelec ang paksyon ni Cusi kung saan nabibilang si Pangulong Rodrigo Duterte bilang lehitimong PDP-Laban kaysa sa grupo na pinangungunahan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, anak ng founder ng partido na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Ginamit na basehan ng Comelec special division ang naging presensiya umano ni Duterte sa isinagawang PDP-Laban national assembly noong Hulyo 17, 2021, gayundin ang council meeting na ginanap naman noong Mayo 31, 2021.

“Considering that Chairman Duterte’s championship is an undisputed and well-settled fact in the aforementioned dates, it is also undisputed that Chairman Duterte’s acts on even dates are valid and effective,” ayon sa hatol ng poll body.

Maituturing na black-eye ito kay Sen. Pimentel at sa kanyang namayapang ama na siyang nagtatag ng nasabing partido. Kung sino pa ng mga umangkas, sila ngayon ang kinikilalang lider ng partido.

Nabalewala ang pagiging Bar topnotcher ni Pimentel para maipanalo ang petisyon sa Comelec. Kunsabagay, puwede pa namang maghain ng motion for reconsideration ang senador.

“We will raise again the following points and we hope the Comelec en banc will look at these issues with eyes wide open: (1) the petition was fatally defective – it was filed for and on behalf of a political party (which is not a human being) without any Board Resolution authorizing its filing!” saad ni Pimentel.

“Ang luwag naman ng Comelec kay Sec. Cusi pagdating sa requirements! Sec. Cusi and company had no authority to file the Petition and yet it was entertained by Comelec? What happened to all the requirements other petitioners before the Comelec are required to comply with? (2) the lawyer who signed didn’t even have updated MCLE requirement! Plus the OTHER ARGUMENTS RAISED IN OUR INITIAL COMMENT.” dagdag ng senador.

Tingin ng ilang Marites, expected na ang desisyon ng Comelec. Alangan namang banggain nila ang paksyon ni Pangulong Duterte. Kapag ginawa nila ito, baka maisahog sila sa mga banat ng Pangulo kina Sen. Dick Gordon, International Criminal Court at iba pa.

Weder weder lang talaga yan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.