Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baracael, MisOr tiniris Iligan

0 46

Magara ang simula ng Globalport-MisOr sa kampanya sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup Second Conference Mindanao Challenge elims mula sa mga kamay ni Marnel ‘Mac’ Baracael nang diligan ang Iligan, 89-77, Lunes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Nagpasabog ng 23 points ang ex-Philippine Basketball Association player mula sa astig na 9-of-12 field goal na sinahugan pa ng 19 rebounds, 3 steals at 1 block para sa team.

SM food to go Banner Ad

“We just have to use our experience. Hindi tayo pwedeng makipagsabayan sa kanila. We have to settle down,” pahayag ni MisOr coach Vis Valencia “‘Yun ang advantage ng may beterano, hindi sila nag-panic.”

Naalang saysay ang 11 markers ni Lester Tamayo sa Archangels na nasadlak sa 1-2. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.