Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barangay 142 sa Caloocan ni-lockdown

0 193

Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City para isailalim ang Barangay 142 sa total lockdown dahil sa pagtaas ng COVID-19 case sa lugar.

Simula ngayong araw, Agosto 1 hanggang sa Agosto 7 magtatagal ang lockdown sa lugar. Sa tala ng City Health Department, may 28 kumpirmadong kaso ang naitala sa lugar.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, bibigyan ng relief packs ang mga apektadong pamilya. Magsasagawa naman ang awtoridad ng contact tracing sa mga pasyente ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.