Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barangay captain ginising para patayin

0 64

Patay ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Labo, Camarines Norte matapos itong pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan na nagpanggap na humihingi ng tulong sa biktima Lunes ng madaling araw sa nabatid na bayan.

Kinilala ang biktima na si Barangay Macogon Punong Barangay Geoffrey Castillo, 52. Nagtamo ito ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ideklarang dead on arrival sa pinagsugurang Camarines Norte Provincial Hospital.

Sa ulat ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang pamamaslang alas-12:30 ng madaling araw sa harapan ng bahay ng biktima.

Nasa kasarapan ng tulog ang biktima at misis nito sa kanilang bahay sa Barangay Macagon nang kumatok at gisingin sila ng mga suspek na nagkunwaring humihingi ng tulong sa nasabing kapitan.

SM food to go Banner Ad

Pagkabukas ng pintuan ng biktima ay agad itong pinagbabaril ng mga suspek saka nagsitakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pamamaslang. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.