Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barangay chairman, 10 pa tiklo sa sabong

0 239

Arestado ang 11 katao kabilang ang isang barangay chairman matapos salakayin ng pulisya ang isang tupadahan o iligal na sabong sa Barangay Malabiga, Libon, Albay Linggo ng hapon.

Kinilala ang nadakip na suspek na sina Barangay Captain Gilbert Romero Rafallo, ng Barangay Mangga Oas, Albay; Sandre Rinon Sayson, 32; Marco Manyero Requejo, 33; Romeo Rogando Rustria, 60; Fedirico Rivera Vicera, 49; Jerwin Cantor Lomerio, 29; Yoly Sinday Renera, 61; Jenry Rubio Matios, 40; Oliver Fernandez Basquinas, 35; Kim Munos Brutas, 37; at Victor Guanzon Jermones, 42, pawang taga-Libon, Albay.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, ika-5:00 ng hapon nitong Linggo nang salakayin ng tauhan ng Libon Municipal Police Station (MPS), Albay PPO at 1ST Provincial Mobile Force Company ang isang tupadahan sa Barangay Malabiga matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.

Nagkanya-kanyang pulasan ang mga sabungero pero hindi pinalad na makatakas ang 11 suspek kabilang ang kapitan.

Nakakuha ang pulisya ng apat na buhay at limang patay na manok panabong, pusta na aabot sa P2,470. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.