Abante Tonite Interactive

Barangay chairman, anak tinambangan

390

Patay ang 37-anyos na lalaki habang inoobserbahan sa ospital ang kanyang amang barangay chairman matapos silang pagbabarilin ng isang motorcycle-riding na suspek sa bayan ng Jordan, Sinait, Ilocos Norte, Lunes nang gabi.

Kinilala ng Sinait Municipal Police Station (SMPS) ang namatay na si Edward Inofinada, 66, ng Calingayan, Sinait ng nasabing lalawigan.

Ayon sa SMPS, ang ama ng biktima na si barangay chairman Leonardo Inofinada ay nakaratay ngayon sa Sto. Cristo Milagroso Hospital sa Sinait.

Sa inisyal na ulat, sinabi ng SMPS na nangyari ang insidente alas-otso nang gabi.

Binabagtas ng mga biktima ang national road gamit ang isang tricycle nang tumabi ang isang motorsiklo lulan ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang mag-ama sanhi upang bumangga pa ang tricycle sa gilid ng kalsada.

Agad na namatay si Edward dahil sa tama ng .45 pistol sa ulo at dibdib habang agad na tumakas ang suspek. (Allan Bergonia)