Abante Tonite Interactive

Barangay chairman na lider ng drug group, laglag sa Sorsogon

By
759

Arestado ang kakapanalo lang na barangay chairman sa Sorsogon City matapos na makuhanan ng ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng hapon sa nabatid na lalawigan.

Kinilala ang nadakip na suspek na si inco­ming Barangay Sampaloc, Sorsogon City chairman Misael Herbes Larosa, alyas ‘Cobra’, 48-anyos, number 3 sa Provincial Target List at lider ng Larosa Drug Group (high value target level 3).

Ayon kay Sr. Supt. Marlon Tejada, provincial director ng Sorsogon Police Provincial Office (PPO), dinakip ang suspek dakong alas-4:45 ng hapon matapos na magsagawa ng buy-bust ope­ration ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Sorsogon laban sa huli.

Abante Hiring – IT dep

Isang police poseur buyer ang bumili ng tatlong sachet ng shabu sa suspek gamit ang P1,000 marked money sa Ballesteros St., Purok 6, Barangay Sampaloc, sa nasabing lungsod.

Matapos na magkapalitan ng pera at shabu ay saka inihudyat ng pulis ang paghuli sa suspek.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang bagong halal na kapitan ng barangay habang pan­samantala itong nakapiit sa PDEA-Sorsogon detention cell.