Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barangay chairman sa Davao binaril

0 252

Yumao sa pamamaril sa harap ng kanyang ba­hay ang isang kapitan ng barangay sa Davao City, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Roderico Llubit, barangay captain ng Barangay 9-A.

Sa imbestigasyon, lumalabas na pinapakain ng biktima ang kanyang alagang pusa sa kanyang tahanan sa Muslim Village sa naturang barangay. Pag­katapos ay may lumapit na tao at pumasok sa kanyang bahay sabay binaril si Llu­bit nang dalawang beses sa mukha.

Matapos ang pama­maril ay tumakbo ang suspek.

Patuloy namang inaalam ang motibo sa pama­maril at pagkakakilanlan ng suspek.

Nabatid na walang natanggap na banta ang biktima bago ang insi­dente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.