Abante Tonite Interactive

Barangay Chairman sa Maynila inasinta sa ulo

By
0 1,325

Bumulagta ang isang barangay chairman na umano’y kilalang anti-illegal drug advocate nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem habang nakasakay ng kanyang motorsiklo matapos na dumalo sa isang seminar kontra droga, kahapon nang hapon sa panulukan ng Burgos at Ma. Orosa St., Ermita, Maynila.

Kinilala ni SPO3 Jo­nathan Bautista ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Barangay Chairman Angel Joy Rivero, 52, ng Brgy. 330, Zone 33 sa Sta. Cruz, Manila na namatay noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Ala-1:50 nang hapon habang binabagtas ng biktima ang nabanggit na lugar nang dikitan ng mga suspek at pagbabarilin.

Ayon kay Police Officer 3 Ferdinand Leyva ng Manila Police District-Police Station 5 posibleng .45 kalibre ng baril ang ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Ayon kay Barangay 330 Sanguniang Kabataan chairman Vergel Francisco na kilala umano ang biktima na aktibo sa kampanya laban sa iligal na droga.

Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang pamamaslang.