Abante Tonite Interactive

Barangay chairman todas sa ambush

321

Patay ang isang barangay chairman habang sugatan naman ang manugang nito makaraang pagbabarilin ng suspek na sakay ng motorsiklo Huwebes nang hapon sa bayan ng Las Navas, Samar.

Dead on the spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Barangay San Miguel Chairman Apolinario Lebico, 63, habang nagpapagaling na sa pagamutan manugang nitong si Jeremy Capoquian na nagtamo ng tama ng bata sa katawan.

Naganap ang pananambang alas-4:30 nang hapon sa boundary ng Barangay Quirino at San Jorge ng nabatid na bayan.

Sakay ng motorsiklo si Lebico na minamaneho ni Capoquian nang sabayan sila ng isang motorsiklo at paputukan ng angkas nito.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen. (Edwin Balasa)