Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barangay councilor dinampot sa buy-bust

0 61

Isang barangay councilor at kasabwat nito ang binitbit ng Cavite Police sa magdamagang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Kinilala ang naarestong Barangay Councilor na si Jeffrey Herrera ng Barangay Poblacion 4, Indang Cavite habang ang kasama nito ay si Edmundo Mojica, 47.

Alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Indang MPS sa Brgy Poblacion 4, Indang Cavite na ikinaaresto ng dalawa.

Narekober sa Brgy Councilor at kasama nito ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Ang dalawa ay nakakulong ngayon sa custodial center. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.