Abante Tonite Interactive

Barangay hall sa kalsada minaso ni Isko

654

Winasak ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang isang itinayong barangay hall sa Binondo na nagsisilbing obstruction sa kalsada, kahapon nang umaga.

Ang naturang barangay hall ay pinamumunuan ni Barangay Chairman Nelson Ty, na nasa panulukan ng Quintin Paredes malapit sa Ramon Ongpin statue.
Alas-10:00 nang umaga nang puntahan ni Domagoso ang Barangay Hall na ginawa na ring barracks.

Tiniyak ni Moreno na bahagi ng kanyang kampanya na linisin ang obstruction sa kalsada at sinampolan na niya ang pagtanggal sa barangay hall na na iligal na itinayo

Pinasalamatan naman ni Fr. Andrei Ortega Lim ng Binondo Church si Mayo­r Isko dahil sa kanyang political will na linisin at ibalik ang dating ganda ng kalunsuran. (Juliet de Loza-Cudia)