Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barangay promotor ng boksing sa kalye – DILG

0 195

Magsasampa ng kaso ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng barangay sa Gagalangin, Tondo, Maynila kaugnay ng street boxing event sa kanilang lugar.

Ayon kay DILG Interior Undersecretary Jonathan Malaya, lumalabas sa imbestigasyon na may kinalaman ang mga opisyal ng barangay sa paboksing sa kalsada.

“Katulad dito sa Tondo, lumalabas sa report ng ating kapulisan na kasama sila sa, I would say, nag-organize. May kinalaman sila sa organization ng pa-boxing na ito. So, ang kaso n’yan mas mabigat kaysa doon sa tinolerate lang or naging pabaya,” paliwanag ni Malaya.

Sinabi pa ni Malaya na posibleng masibak ang mga opisyal ng barangay at maharap sa kasong kriminal kapag napatunayang sila ang utak ng event.

Matatandaang nagsampa naman ng kaso ang Manila Police District (MPD) laban sa mga opisyal ng Barangay 181 at Barangay 182 sa ginawang boxing event rin sa kalsada. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.