Abante Tonite Interactive

Barangay sa Bataan pinerwisyo ng mga langaw

209

Problema ngayon ng mga residente sa isang barangay sa Orani, Bataan ang sangkaterbang langaw na umano’y malaking perwisyo na sa kanila dahil hindi na sila makakain at makatulog nang maayos.

Ayon sa report, apat na poultry farm sa Orani ang sinasabing pinagmumulan ng mga langaw.

Hindi na umano uubra ang pagpaypay at pagsisindi ng kandila gayundin ang paggamit ng kulambo kaya’t inireklamo na nila ang malaking perwisyo na dulot ng mga langaw.

Hindi na umano makakain nang maayos dahil mabilis na dinudumog ng langaw ang mga ulam at pagkain nila.

“Kalalapag niyo lang kahit kumukulo ang ulam eh, nasa loob na eh,” sabi ng isang residente.

Kinausap na umano ng barangay chairman ang mga nag-aasikaso ng mga naturang poultry farm pero wala pa ring aksyon.