Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barangay sa Cebu nag-Sinulog kahit ECQ

0 410

Sa kabila ng pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 na naitala dito, napaulat na nagsagawa pa ng Sinulog dance ang ilang grupo sa isang barangay dito noong Sabado.

Ayon sa opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan ng Brgy. Basak San Nicolas kahapon, walang kinalaman si Barangay Captain Norman Navarro sa nangyaring pagsasawayaw sa kalsada sa Sitio Alumnos bilang bahagi umano ng piyesta sa lugar.

Sa social media, nag-viral ang mga kuhang larawan sa nangyaring prusisyon ng Senyor Sto. Niño.

Dagdag pa ng barangay, mariin umanong tinutulan ni Navarro ang aktibidad, at gumawa na umano sila ng akyon para sa organizer ng aktibidad.

Kabilang ang nasabing barangay sa 11 iba pang lugar na tinuring na hotspot para sa COVID-19. Sa buong siyudad higit 5,000 na ang kumpirmadong kaso ng nahawa ng virus, dahil dito pinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mahigpit na pagresponde sa pandemic sa lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.