Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barangay sa Mandaluyong ni-lockdown

0 136

Isinailalim sa “granular lockdown” ang tatlong magkakalapit na komunidad sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.

Aabot sa 569 na pamilya ang hindi basta-basta makakalabas ng kanilang mga bahay sa susunod na 7 araw dahil sa “granular lockdown”.

Nagkabit ng mga tarpaulin at marker sa bungad ng mga eskinita ng Zone 4, 5, at 9 sa Block 41 nang magsimula ang lockdown hatinggabi ng Biyernes.

Sa naunang report tatagal ang lockdown hanggang hatinggabi ng Huwebes, March 18.

Ayon kay Carlito Cernal, punong barangay ng Addition Hills, nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang lockdown para mapigilan ang community transmission sa lugar.

Kasunod ito ng pagtala ng 6 na positibong kaso ng COVID-19 sa Block 41. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.