Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baraquiel hinablot tuktok

0 98

Sinigurado ni Sunshine Baraquiel na hindi mauulit ang panlalamig sa huling bahagi na nag-alis sa kanya sa karangalan sa unang araw, binirdie ang dalawa sa last four hole upang makapagsalba ng two-over par 72 at sungkitin ang pamumuno ng dalawang palo sa panultimate play ng ICTSI Tagaytay Highlands Ladies Challenge sa Cavite Miyerkoles ng hapon.

Kasama ang 77 sa opening na may dalawang bogey sa huling tatlong butas, naka-38-34 ang 30-anyos na balik sa Ladies Philippine Golf Tour pagkakumpleto ng flying lessons sa US, para sa 36-hole aggregate nine-over 149.

“I made a long putt for birdie on No. 1 then I don’t know how I blew it and I ended up having five bogeys in a row,” bulalas ni Baraquiel. “I got mad but I told myself to ‘wake up’ and ‘start fresh.’ After that I shot two-under.”

Pinantayan din ni Chihiro Ikeda ang par 72 sa badyang tapusin ang may dalawang taong taguyot sa torneong binabalangkas ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. at akbayan sa segunda sa 152 si Daniella Uy na nag-73. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.