Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baraquiel namayagpag

0 203

Iniskor ni Sunshine Baraquiel ang first pro victory sa mahirap na paraan sa 2021 ICTSI Tagaytay Highlands Ladies Challenge sa tatlong buslo kontra sa dalawang top player ng bansa at sa isa sa mahihirap na course na grabe ang kondisyon sa Cavite Huwebes ng hapon.

Bumawi ang 30-year-old shotmaker na nag-pro dahil sa Covid-19 at nasa panlimang torneo sa palpak na simula sa third at final round, niladlad ang porma gaya sa pangalawang araw para maka-72 at pumasok sa elite circle winners ng Ladies Philippine Golf Tour na pinatatakbo ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The tournament was mine to win, so I just hit the shots that I had to hit and made the putts that I had to make,” suma ni Baraquiel, na lady pilot at seventh ang dating best finish sa Eagle Ridge’s Aoki, Sherwood, Eagle Ridge’s Norman at Aoki na pinananalunan ni Harmie Nicole Constantino sa nakalipas na linggo.

Sa 11-over 221 total, sinubi ni Baraquiel ang P101,250, dinaig sina Chihiro Ikeda at Daniella Uy, na may identical 224s tapos ng mga 73 at tig-P63,750. Pumang-apat si Constantino sa 72-225. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.