Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barberya, indoor dining pabubuksan ng DTI

0 155

Pinag-iisipan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbubukas ng ilan pang industriya kasunod ng pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kanilang tinitingnan ang pagbabalik ng limitadong operasyon ng mga barberya, hair salon at indoor dining service.

Sabi ni Castelo, inaasahan na 400,000 empleyado ang muling magkaroon ng trabaho sa 50% operasyon ng mga barberya at salon habang 100,000 manggagawa naman ang makakapag-duty uli kapag ibinalik ang indoor dining sa mga restaurant.

“Ang recommendation kasi ni [DTI] Secretary [Ramon] Lopez is to ease up a little bit, `yong magdagdag tayo ng mga negosyo, lalo na iyong mga labor intensive talaga na puwede namang sundin `yong mandatory health protocols natin,” ayon kay Castelo. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.