Abante Tonite Interactive

‘Barbi’ ni Joey hiniram lang ni Paolo

By
12

NAKAKATUWA ang suporta ni Joey de Leon kay Paolo Ballesteros na bida na ngayon sa isa sa mga karakter na pinasikat ni Tito Joey na Barbi. This time, ginawa nilang Barbi: The Wonder Beki.

Tinatapos na ito ngayon­ ni Paolo, na kung saan kasama pa si Tito Joey de Leon bilang mentor nito. Kinlaro sa amin ni Paolo na pag-aari pa rin daw ni Tito Joey ang Barbi na karakter.

“Hindi naman binigay, pinahiram lang,” sabi niya sa amin.

Abante Hiring – IT dep

Nagpapasalamat lang daw siya dahil pumaya­g si Tito Joey na sumali sa pelikula kahit medyo nahirapan na ito magpaayos na girl. Maganda naman daw ang project at gusto raw niyang suportahan si Paolo.

“Nakakatuwa kasi ito ‘yung project na ang karakter ay minahal at sa akin ipinagkatiwala. At lahat naman ng projects ko, talagang si Joey very supportive siya,” say ni Paolo.

Si Direk Tony Reyes ang nagdirek nito, pero may mga inputs din daw si Tito Joey para mas lalong nakakatawa ang pelikula.

“Alam mo nakakatawa talaga­ siya, grabe! Ang saya namin si set.

“Si Direk Tony, ang utak niya nakakatawa parang may makita siyang ganito, tapos biglang naisip  niya gawin natin ‘to.

“Ibang atake naman ito ngayon sa bagong Barbi, millennial siya, at ‘yun nga meron siyang Wonder Beki,” saad pa rin ni Paolo.

Ejay Falcon malabong maging Kapuso

SI Ejay Falcon ang love interest ni Paolo sa pelikulang ito, at excited ang Kapamily­a actor dahil karamihan daw sa mga kasama niya sa pelikulang ito ay mga taga-GMA 7 kaya medyo naninibago raw siya.

“Medyo nakakapanibago nu’ng una, pero mabait naman sila eh. Napakasarap nila katrabaho.

Sobrang thankful ako na nakakatrabaho ko ang ibang actors. Thankful ako sa movie na ‘to kasi feelin­g ko napaka-blessed ko na dito, kasi hindi naman ako nakapagtrabaho sa network nila.

Kaya dito man lang nabigyan ako ng chance na makatrabaho sila. Masarap ‘yung feeling­ na iba ang natutunan ko sa kanila,” sabi ni Ejay.

Pero hindi ibig sabihin na lilipat na siya sa Kapuso network. Palabas pa rin naman daw ang The Promise of Forever na kung saan kasama siya.

Sisimulan na rin daw niya ang isa pang drama series na makakasama naman niya si Erich Gonzales.