Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie ‘aagawin’ si Daniel

0 297

Number one trending topic ang pangalan ni Barbie Imperial sa Twitter. Bakit kaniyo? Kasi naman ang lalaking Maritess na hindi na natin dapat pangalanan pa, inginunguso na itong si Imperial, ang ka-close diumano ni Daniel Padilla.

Yes, sa mapaglarong imahinasyon at mahika nitong lalaking Maritess, may mga kung ano-ano siyang mga larawan na inilalabas sa kanyang social media site na sa kanyang pakiwari ay “patotoo” sa pang-aagaw ni Imperial kay Padilla.

Ano nga ba meron ang jowa ni Diego Loyzaga at ang lalaking halatang-halata namang gagawin ang lahat para mapansin eh tila bordering na on a sickening obsession kay Barbie? Imbento much sa mga kuwento na walang pruweba.

Balita ko, mismong ang mommy dearest ni Daniel John Ford, mariing itinanggi na may recent chance encounter sa isang bagong taon shindig ang kanyang superstar son at sa pagkakataong ito, ang starlet na walang malay na ginagawa na pala siyang babaing ‘anaconda’ nitong si lalaking Maritess.

Ano kayang hakbang ang gagawin ni Bb.Imperial para ang nilalang na ito ay tumigil na sa kanyang sablay na sablay na malikhaing pagsusulat. Dapat siguro may lunas na o tabletang ipainom diyan para matigil na ang kanyang mapaglaro at mapanirang imahinasyon.

Grabehan ang poot at suklam ng mga nagmamahal sa KathNiel dahil sa nakaririmarim sa scenario na alam mong imbento lamang nitong lalaking Maritess.

Well, at the rate things are going, mukhang hindi titigil ang lalaking Maritess sa kanyang mga kontrobersyal na balangkas at gawa-gawang kuwento .Mas lalong hindi siya takot sa matandang kasabihan na “mapupunta sa impiyerno ang mga sinungaling!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.