Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie abogado ‘pinalit’ kay Diego

0 63

Nagkalat sa social media ang larawan ni Barbie Imperial na may kasamang non-showbiz guy.

Nagtatanong tuloy ang mga netizen, kung siya na ba ang bagong boyfriend ni Barbie na kapalit ni Diego Loyzaga?

Isang nagngangalang Nina Corteza ang nag-upload ng larawan ni Barbie kasama ang nasabing lawyer.

May image photo ring lumabas sa DDS News. May nakalagay na caption, “Bakit may akbayan po? Nagtatanong lang.”

Heto na ang mga komento ng mga netizen.

“Eh kasi maganda sya kaya LIGAWIN at HABULIN!”

“Hayaan mo sya. Besides anong gusto mo mag antay sya dun sa ex nya? Kalowka ka! Inggit ka lang kasi maganda sya.”

“Kung san sya masaya pabayaan mo sya eh maganda eh”

At may nag-check na rin sa background ng nasabing abogado..

“I checked the guys ig page, may hawig kay oyo sotto and mukhang he comes from a good family and is well-educated. Seems like a good catch. But sana lang Barbie should really take time to rest her heart muna. But anyway, it’s her life, her choice and her happiness. Wish them luck!”

“Atty. from prominent clan.”

@@@

Anyway, ngayong araw (Monday, May 9) na ang botohan. Sana lang po, piliin natin ang karapat-dapat na mamuno ng ating bansa,

Pero, igalang naman po natin kung sino ang gusto ng mga taong iupo para sa bagong administrasyon.

Sigurado, pagkatapos ng eleksyon na ito ang mga magkakaibigang nagkawatak-watak nang dahil sa politika ay magkakaayos na muli.

Tama na ang mga pataasan ng ere, Remember, iisa lang po ang mundong ginagalawan ng mga celebritiies, ang SHOWBIZ.

Leave A Reply

Your email address will not be published.