Abante Tonite Interactive

Barbie beki ang hirit sa vlog

By
4,130

Parami nang parami ang mga celebrity vlogger at ang bagong dagdag sa humahabang listahan ay si Barbie Forteza.

Kakagawa lang ni Barbie ng YouTube channel niya at in fairness ay sobra kaming naaliw kay baklah. Siya na ang latest favorite naming celeb YouTuber.

Sa unang vlog ng Kapuso actress na inisa-isa niya ang laman ng kanyang bag ay umi-Ingles-Ingles ang hitad at may accent pa.
Sa second video niya ay very Barbie na, beks na beks lang na super-aliw ang mga hirit. Ibigay na raw sa iba ang pag-i-English at kung may foreigners man na manonood ay sila na lang ang mag-adjust.

Benta sa amin ang mga hirit ng 20-anyos na GMA star, na pati ang pagtahol ng aso sa labas ay napuna.

Ang kanyang ‘go-to makeup look’ ang dinemo ni Barbie sa nasabing vid at kahit ang tagal ng pagpipinta niya sa fez niya ay hindi naging boring dahil sa mga witty punchline niya na masang-masa.

Tawang-tawa kami du’n sa tumatawag daw siya ng taxi gamit ang eyelashes niya. Kahit pa-GSS na siya sa pagpuri ng sarili niya ang cute ng dating.

“Ay naku, ‘tong batang ‘to, maraming paiiyakin ‘to!” dayalog ng hitad after her makeup session, sabay tawa.

Supportive boyfie naman si Jak Roberto sa mga kakikayan ng girlfie nito. Pino-promote ni Jak ang vlog ni Barbs sa IG Stories nito.
Aside from Barbie, kabilang sa mga bagong celebrity vlogger sina Bea Alonzo at Winwyn Marquez na gumawa na rin ng sarili nilang YouTube channel.
***

Sharon may sepanx kay Frankie

Nasa Amerika ang panganay ni Sharon Cuneta kay Senator Francis Pangilinan na si Frankie para maghanap ng school na papasukan nito roon for college.

Next year pa mag-aaral abroad si Frankie pero ngayon pa lang ay nase-sepanx na si Shawie.

Sey ni Mega, wala pang 2 weeks mawawala ang kanyang Kakie pero sobrang mami-miss niya ito.

Puring-puri niya ang pagiging mabuting anak ni Frankie at ito lang daw sa apat niyang anak ang laging may ‘po’ at ‘opo’ sa tuwing nag-uusap silang mag-ina.

Binilinan niya itong huwag makipag-usap sa mga hindi kilala at alalahanin ang pelikulang ‘Taken’. Panay ang FaceTime ng mag-ina habang nasa West Coast si Kakie.

Comment ni KC Concepcion para sa kanyang younger sister na si Frankie, “Get it gurrrrrl! If I could face the world, you can too!!! ILYSM!”

Sa Paris, France pinag-aral noon ni Sharon ng college si KC.

Aligaga ang Megastar sa paghahanda para sa 40th showbiz anniversary concert niya sa Araneta Coliseum sa September 28. In fairness ay hindi mura ang tiket nito: P10,600 ang pinakamahal.
***

Kylie balik-alindog

Bumalik na ang kurbada ni Kylie Padilla dahil na-lose na niya ang baby weight sa kanyang katawan.

Seksi-seksihan na ulit si Kylie, na one year ding namahinga after manganak kay Alas Joaquin.

Kinarir niya ang pagwu-workout sa tulong ng kanyang supportive gym buddy—ang hunky partner niyang si Aljur Abrenica.

Nag-running, jogging, boxing, bumalik sa Muay Thai at nag-diet ang 25-anyos na Kapuso actress, kaya sakses ang kanyang balik-alindog.
Sa August 4 ay mag-iisang taon na si Alas at aminado si Kylie na nag-iba ang tingin niya sa trabaho ngayong may anak na siya.

Dati ay gusto na niya agad umuwi dahil pagod na siya. Ngayon, ang iniisip niya ay kailangan niyang galingan para matapos na sila dahil may pamilya rin na uuwian ang mga katrabaho niya.

Mas conscious na rin ngayon si Kylie sa mga project na tatanggapin at role na gagampanan niya dahil gusto niya na ‘pag napanood siya ng anak niya ay magiging proud ito sa kanya.

Kagabi ay pumasok na ang astig at palabang karak­ter ni Kylie sa TomJen teleserye na ‘The Cure’.