Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie bet nang pagarahe kay Jak

0 220

NI: ROLDAN CASTRO

Matunog ang tsismis na plano nang magpakasal nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Tila bet na raw ni Barbie na magpagarahe sa kanyang dyowa.

Very vocal din ang dalawa na gusto nilang mag-level up ng kanilang reason.

Buong ningning nilang sinagot ang tanong sa kanilang vlog na “Do you want to get married someday?” Ito’y sa “Questions We Never Asked Each Other.”

“Oo naman, sino bang hihindi? Kahit pa anong wedding ‘yan, kahit na simple lang, kahit na talagang engrande or kahit saan,”mabilis na pakli ni Jak.

“Feeling ko, ang marriage, isa siyang kasunduan na hindi n’yo magagawang sirain dahil una, walang divorce dito sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

“Bakit nasa divorce ka na? Nandun pa lang tayo sa ‘Do you want to get married someday?’ Nasa divorce na siya,” sambit naman ni Barbie.

Tugon naman ng aktor, “‘Yun nga, walang divorce dito sa ‘Pinas so hindi ‘yan parang ano, ano ‘yung kasabihan na ‘yun, hindi ‘yan parang mainit na kanin na puwede mong iluwa kapag napaso ka. Tama ba? Pero ganun, guys.”

Sinabi rin ni Barbie na type niya ang intimate wedding at simple. Ayaw niyang maging karnabal ito.

“Hindi naman importante sa akin kung papaano kami ikakasal, ang importante lang, makasal kami para lang alam mo ‘yun, mas secure kami,” deklara pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.