Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie bet pakasalan si Diego

0 195

NI: VINIA VIVAR

Matamis na matamis pa rin ang relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga and the way things are going, mukhang sila na nga ang magkakatuluyan.

Sa isang panayam nga ay sinabi ni Barbie na hindi naman for fun lang kapag nakipagrelasyon siya.

“Of course. I date to marry talaga. Hindi ‘yung wala lang, seryoso talaga ako. Kapag naging boyfriend ko yung isang tao, I see something talaga na siya na,” sey ni Barbie sa panayam niya sa isang showbiz website.

Buhat nga raw nang naging sila ay hindi pa sila nagkaroon ng seryosong away.

“We never really had a fight na seryoso. Na problema talaga. Puro pikunan lang at asaran. Sobrang kulit nya kasi. Tapos ako asar talo. Hahaha. When we fight naman, hindi tumatagal ng isang araw. Palaging may lalapit para ayusin,” sey ni Barbie.

Isa rin si Barbie sa mga artistang napagsasabay ang love life at showbiz career. At kahit pandemic ay sunod-sunod din ang kanyang mga projects kaya ganu’n na lang ang pasasalamats niya sa ABS-CBN.

“Actually, with my career everything is okay. Tuloy pa din ang work at nagpapasalamat talaga ako sa ABS CBN dahil hindi nila ako pinapabayaan,” sey ng aktres.

Sa ngayon ay apat na pelikula nga raw ang nakatakda niyang gawin.

“I have four movies. One in Dubai which is moved again because of COVID and ECQ. “Mahirap to work nowadays, pabago bago lahat. Goal for the next 5 years is another house for myself naman,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.