Abante Tonite Interactive

Barbie binugbog?

By
1,523

Marami ang nagtatanong kung totoo bang binugbog ang leading­ lady ni JM de Guzman sa ‘Precious Hearts Roman­ces Presents Araw Gabi’ na si Barbie Imperial?

Kumalat sa Instagram account ni @1myjuanbie ang screenshot sa IG umano ni @msbarbieimperial na mga larawan na may pasa, galos sa dibdib, leeg, braso pero hindi ipinakita ang mukha.

May caption ito na “No to physical abuse. NEVER AGAIN.”

Sey rin ni @1myjuanbie Sana pagka tapos mo ginawa to. Nakakatulog nakaka kain kapa ng ma ayos..kung sino ka man hayop ka gumawa nito kay @msbarbieimperial si god na lang bahala sayo..Hndi ka tao. isang kang hayop..”

Nag-tweet si Barbie kahapon, “Girls, just because mahal nyo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan. HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY.

Nag-check kami sa IG at Twitter account ni Barbie pero wala naman kaming makitang post niya na ganoon.
Imbento lang kaya ito?

Nabiktima ba siya talaga ng phy­sical abuse? Baka naman eksena lang niya ‘yun sa ‘Araw Gabi’?
Pagkatapos na kuma­lat ang alingasngas na split na sila ng boyfriend niyang si Paul Salas, may tsika namang bugbugan sa social media.

Bukas ang panig nina Barbie at Paul sa isyu para malinawan ang lahat. Kawawa naman si Paul na pinagbibintangan ng mga netizen na umano’y sinaktan si Barbie.